PhilHealth YAKAPRHU Margosatubig

Gabay sa pagpili ng YAKAP Clinic

Sundan ang limang hakbang mula sa paghahanda ng PhilHealth number hanggang sa unang check-up.

Si Pusong Yakap
Step 1Ihanda ang PhilHealth number mo
  1. Hanapin ang PhilHealth Identification Number (PIN) sa PhilHealth ID o Member Data Record (MDR) mo.
  2. Tingnan kung tama ang pangalan at petsa ng kapanganakan sa record. Kung may kailangang itama, magtanong sa opisina ng PhilHealth.

Nakalimutan ang numero mo?

Lumapit sa kawani ng RHU Margosatubig para magpatulong sa paghanap o pag-verify nito. Magdala ng valid ID kung mayroon ka. Kung kailangan pang magparehistro bilang miyembro, magtanong sa PhilHealth kung paano makakakuha ng PIN.

Step 2Pumili ng YAKAP Clinic

Paano mo gustong pumili ng klinika?

Pindutin ang isa sa mga button sa ibaba para makita ang gabay sa pagpaparehistro.

Gamit ang eGovPH app

Opisyal na icon ng eGovPHI-download ang eGovPH app. Pagkatapos mag-install, buksan ang app at mag-sign in. Kung wala ka pang account, gumawa at sundin ang verification na ipinapakita ng app.

Sundan ang pulang bilog sa bawat screenshot. Pindutin ang larawan para palakihin. Tinakpan ang mga personal na detalye sa mga larawan.

  1. Sa Home, pindutin ang NGAs

    Sa Home, pindutin ang NGAs
    Makikita ang NGAs sa hanay ng mga icon sa Home.
  2. Piliin ang Health

    Piliin ang Health
    Sa NGA, piliin ang Health. Makikita rito ang listahan ng mga serbisyong pangkalusugan.
  3. Pindutin ang PhilHealth Member Portal

    Pindutin ang PhilHealth Member Portal
    Sa List of Services, pindutin ang PhilHealth Member Portal.
  4. Pindutin ang Add YAKAP Provider

    Pindutin ang Add YAKAP Provider
    Sa welcome screen ng PhilHealth, pindutin ang Add YAKAP Provider.
  5. Pindutin ulit ang Add YAKAP Provider

    Pindutin ulit ang Add YAKAP Provider
    Sa ilalim ng YAKAP Status, pindutin ulit ang Add YAKAP Provider.
  6. Buksan ang Province

    Buksan ang Province
    Sa Search YAKAP Provider, pindutin ang kahon sa ilalim ng Province.
  7. Piliin ang Zamboanga del Sur

    Piliin ang Zamboanga del Sur
    Sa listahan ng probinsya, piliin ang ZAMBOANGA DEL SUR.
  8. Piliin ang Margosatubig

    Piliin ang Margosatubig
    Pindutin ang City/Municipality, tapos piliin ang MARGOSATUBIG.
  9. Pindutin ang Search

    Pindutin ang Search
    Tiyaking ZAMBOANGA DEL SUR at MARGOSATUBIG ang nakalagay bago pindutin ang Search.
  10. Piliin ang Margosatubig Rural Health Unit

    Piliin ang Margosatubig Rural Health Unit
    Pindutin ang Select sa tabi ng MARGOSATUBIG RURAL HEALTH UNIT.
  11. Kumpirmahin ang napiling klinika

    Kumpirmahin ang napiling klinika
    Suriin ang pangalan ng klinika sa confirmation screen, tapos pindutin ang Yes.

Opisyal na gabay ng PhilHealth sa eGovPH (Annex B)

Gamit ang PhilHealth Member Portal

Ihanda ang PhilHealth Identification Number (PIN) at buksan ang opisyal na portal sa browser ng cellphone o computer.

Buksan ang PhilHealth Member Portal
May account na ako
Pulang bilog sa Log In ng PhilHealth Member Portal
  1. Ilagay ang PhilHealth PIN at password mo.
  2. Sagutan ang CAPTCHA, ang verification na nasa screen.
  3. Pindutin ang Log In. Kung nakalimutan ang password, piliin ang Forgot Password? at sundin ang lalabas na instructions.
Wala pa akong account sa portal
Pulang bilog sa Create Account ng PhilHealth Member Portal
  1. Sa login page, pindutin ang Create Account.
  2. Ilagay ang iyong PhilHealth PIN at punan ang mga hinihinging detalye, kasama ang email address na nabubuksan mo.
  3. Gumawa ng password, sagutan ang CAPTCHA, at isumite ang form.
  4. Buksan ang email mula sa PhilHealth at pindutin ang activation link. Pagkatapos, bumalik sa portal at mag-Log In.

Kung wala o nakalimutan mo ang PhilHealth PIN mo, tingnan muna ang Step 1.

Kapag nakapag-log in ka na

Sundan ang pulang bilog. Pindutin ang screenshot para palakihin. Halimbawang pangalan ang nakalagay sa mga larawan.

  1. Pindutin ang Click here to select YAKAP Clinic

    Pindutin ang Click here to select YAKAP Clinic

    Sa Member Information, hanapin ang row na YAKAP Clinic at pindutin ang link.

  2. Pindutin ang Search other YAKAP Clinic

    Pindutin ang Search other YAKAP Clinic

    Kung ibang klinika ang unang lumabas, pindutin ang Search other YAKAP Clinic.

  3. Buksan ang mga pagpipilian sa lokasyon

    Buksan ang mga pagpipilian sa lokasyon

    Sa YAKAP Registration, gamitin ang Province at Municipality/City.

  4. Piliin ang Zamboanga del Sur

    Piliin ang Zamboanga del Sur

    Sa Province, piliin ang ZAMBOANGA DEL SUR.

  5. Piliin ang Margosatubig

    Piliin ang Margosatubig

    Sa Municipality/City, piliin ang MARGOSATUBIG.

  6. Pindutin ang Search

    Pindutin ang Search

    Tiyaking tama ang dalawang napiling lokasyon bago pindutin ang Search.

  7. Piliin ang Margosatubig Rural Health Unit

    Piliin ang Margosatubig Rural Health Unit

    Sa mga resulta, pindutin ang pangalan ng MARGOSATUBIG RURAL HEALTH UNIT.

  8. Kumpirmahin sa Yes

    Kumpirmahin sa Yes

    Suriin ang pangalan ng napiling klinika at pindutin ang Yes.

Bumalik sa Member Information para tingnan kung lumabas na ang napiling klinika. Pagkatapos, makipag-ugnayan sa klinika para sa unang check-up.

Opisyal na gabay ng PhilHealth sa Member Portal (Annex C)

Sa opisina ng RHU Margosatubig

Pumunta sa RHU Margosatubig para magpatulong sa pagpili ng YAKAP Clinic at sa pagpapalista.

  • Magdala ng cellphone na may SIM ng numerong nakarehistro sa account mo para matanggap ang verification code kung hingin.
  • Kung maaari, ihanda ang sarili mong Gmail account na nabubuksan mo sa cellphone para mas mabilis ang proseso kung kailangan ng email verification.
Step 3Magpa-iskedyul ng unang check-up

Makipag-ugnayan sa napili mong klinika. Sabihin na napili mo na ito bilang YAKAP Clinic at gusto mong magpa-iskedyul ng unang konsultasyon o First Patient Encounter. Itanong kung kailan puwedeng pumunta at kung ano ang kailangang dalhin.

Step 4Magpakonsulta sa doktor

Sa pagdating, sabihin na para ka sa unang YAKAP check-up. Tutulungan ka ng kawani sa pag-verify ng pagkakakilanlan. Sa doktor, ikuwento ang mga nararamdaman mo, dating sakit, at mga gamot na iniinom. Kung mayroon kang listahan ng gamot, dalhin ito.

Step 5Kumpletuhin ang pagpapalista

Pagkatapos ng unang konsultasyon, gagabayan ka ng kawani ng RHU Margosatubig para makumpleto ang pagpapalista mo sa YAKAP Clinic. Bago umuwi, itanong kung kumpleto na ang pagpapalista at kung kailan ka babalik para sa follow-up o karagdagang pagsusuri, kung kailangan.

RHU Margosatubig

Mga benepisyo sa YAKAP

  • Libreng konsultasyon

    Regular na pagpapatingin at pagsusuri ng kalusugan para matukoy kung may panganib na magkasakit.

  • Mga piling pagsusuri sa laboratoryo

    Maaaring magrekomenda ang doktor ng CBC, pagsusuri ng ihi o dumi, fasting blood sugar, lipid profile, HbA1c, creatinine, X-ray sa dibdib, o ECG kung kailangan.

  • Mga gamot na sakop ng programa

    Maaaring makakuha ng piling gamot na nireseta ng doktor sa ilalim ng YAKAP o PhilHealth GAMOT, ayon sa saklaw ng programa.

  • Pagtukoy sa angkop na pasilidad

    Kung kailangan ng karagdagang pangangalaga, tutulungan kang makapunta sa angkop na pasilidad, gaya ng para sa TB, pagbubuntis at panganganak, o pangangalaga sa ngipin at bibig.

  • Patuloy na pagsubaybay sa kalusugan

    Mga kasunod na konsultasyon, pagsubaybay sa tala ng iyong kalusugan, at pangangalagang nakatutulong makaiwas sa sakit.

PhilHealth YAKAP

Sino ang sakop ng YAKAP?

Para ito sa mga miyembro ng PhilHealth at kanilang mga kwalipikadong dependent. Kabilang dito ang:

  • Empleyado ng gobyerno o pribadong kumpanya
  • Kasambahay
  • Self-employed at mga propesyonal
  • OFW
  • Senior citizen at lifetime member
  • Persons with disability (PWD)
  • Solo parent
  • Mga pamilyang kabilang sa 4Ps
  • Mga miyembrong nasa indigent category
  • Mga sanggol at batang kwalipikadong dependent